| Mukang desidido ka na sa mga huling sinabi mo |
| At parang ang lahat ng galit sa mundong dala-dala ay sa 'kin isinalin oh |
| 'Di na ba hahanap pa ng paraan |
| Pabalik sa taas wala na bang hagdan |
| Bangka ay palubog 'di na masasagwan |
| Palusot sa butas ay 'di na natatakpan |
| Kung pwede lang ulit na manalo sa roletta |
| At maibalik nung wala tayong problema |
| Plano nating bahay at masasayang eksena |
| Ngayon ay isisilid na natin sa bodega |
| Kasi 'di na tama |
| 'Di inakalang |
| Wala pala sa piling ko ang hanap mong ginhawa |
| Gusto mang manatili pero 'di na 'to gagana |
| Tayo ay wala na, wala na |
| Hindi rin natin alam magkakaganto |
| 'Lam ko na mas ayos ka nang wala ako |
| Kaysa naman tayo pa magkasama |
| Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya |
| Hindi rin natin alam magkakaganto |
| Hawak-hawak ko na lang ang larawan mo |
| Kesa naman tayo pa magkasama |
| Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya |
| Pwede ba na time first muna sandali |
| Baka maantay magkaro’n ng time machine |
| Pumunta sa saglit na nakita ang ngiti mo |
| At ang panahon na abot-tenga ang ngiti ko |
| Ngayon ang kampi kala mo ay magkalaban |
| Ngayon ay gantihan na lang ng kasalanan |
| Mga simpleng bagay lang ay pinag-iinitan |
| At sanay na sa murahan na palitan |
| Sa tuwing galit ka, galit din ako |
| 'Gang sa 'di na naaayos nangunguna ang tampo |
| 'Di alam kung sumosobra na o nagkukulang ba 'ko |
| Ang litratong maganda bakit tuluyang lumalabo |