Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción The Bobo Song, artista - Loonie.
Fecha de emisión: 22.08.2020
Restricciones de edad: 18+
Idioma de la canción: tagalo
The Bobo Song |
Lahat nang nakikita ko Lahat nang nakikita ko Nakaka, nakaka, nakaka-bobo |
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo |
Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan |
Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing |
Walang palabas at mas madalas mag patalastas |
Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking |
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin |
Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin |
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita |
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita |
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog |
Pag malapit na maluto ang sinaing |
Huminahon ka itay baka ka mabulunan |
Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan |
Ni kapiranggot mula nung unang baitang |
Pumapasok lang ako para mangutang kay maam |
Ng pambili ng kanin, chicken adobo |
Araw-araw ganito nakaka-bobo |
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo |
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo |
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako |
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo |
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo |
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo |
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako |
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo |
Pulitiko na sa showbiz posible na pala |
Ang dami nang artista sa pulitika pa nga |
Bobo, inutil, walang pinag-aralan |
Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan |
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata |
Upang mapansin ka ng madla |
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu |
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu |
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada |
May pelikula kaya ngayon sila’y mag syota |
Da who itong starlet na sa banyo na dulas |
Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz |
1 2 3 teka lang nauna me Makakakita ka nang mga natapakan sa tv Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo |
Ayoko ng ganito nakaka-bobo |
Takot kang magtanong takot kang magpaulit |
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit |
Takot kang magtanong takot kang magpaulit |
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit |
Kala mo alam mo to kala alam mo yan |
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan |
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang |
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam |
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama |
Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga |
Nakapangalumbaba simula pa nung bata |
Di naman importanteng magpakadalubhasa |
Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan |
Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan |
Maniwala, pero wag umasa sa himala |
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya |
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong |
Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong |
Kung ang pag-iisip para sayoy nakakangawit |
Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit |
Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao |
Pilipino lang ako pag nananalo si pacquiao |
Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo |
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo |
Takot kang magtanong takot kang magpaulit |
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit |
Takot kang magtanong takot kang magpaulit |
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit |
Kala mo alam mo to kala alam mo yan |
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan |
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang |
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam |
Bobo! |