Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción Tugmang Preso, artista - Loonie.
Fecha de emisión: 17.12.2023
Restricciones de edad: 18+
Idioma de la canción: tagalo
Tugmang Preso |
Nakuhanan sila ng isang pakete ng droga\nMiyerkules nung nakaraang linggo, nang maaresto si Loonie\nAt apat na iba pa, matapos makumpiskahan ng bush for high grade marijuana\nBagamat makulay ang mga pabalat\nAlam mong mahusay ang pagkakalahad\nMga tunay na ganap, isinulat ng parak\nKaya 'wag ka nang magulat kung magtutugma lahat\nSapagkat ito’y galing sa memorya, isang napaka-importante na istorya\nIto ang aking personal na testimonya, pangontra sa mga ignorante na teyorya\nIto ay tunay na buhay, wala 'kong dahilan para magsinungaling at mga detalye\npalitan\nIto ang kwento kung pa’no kami tinaniman ng marijuana ng mga parak na mukhang\ntaliban\nBandang alas otso ng gabi sa Pilipinas, sa isang gusali doon sa may Ortigas\nWalang oras bago ang rehas ay mahimas, kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas\nMay interview kami sa radyo nung gabi na 'yon\nTungkol sa marijuana at sa legalisasyon\nPagkatapos namin umalis agad sa istasyon\nDahil meron pa 'kong pupuntahang isang okasyon\nDo’n sa Poblacion, birthday daw ni Shawn\n'Yun lang alam ko na detalye pa noon\nMedyo masama ang panahon, umaambon\nKaya tinext ko na si utol pumunta ka na ngayon\nHumiwalay na si Ron, sumakay ng taxi, dahil bukas may recording pa kami ni\nKlumcee\nUtol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby, gamit ang aking Subaru na tunog\nFerrari\nSaan tayo pupunta? Private daw na party\n'Yung reception ay isang hotel do’n sa Makati\nBata na may cancer, kumontak kaniyang mommy\nIdol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby\nPangalan daw ay Shawn, walang pake sa money\nKasi handang magbayad kahit magkano si daddy\nLumambot ang aking puso nung una ko narinig\nNaawa ako kay Shawn, mga luha nangilid\nNung nalaman kong lagay na daw ng bata tagilid\n'Di niyo kailangan magbayad, pupunta ako sa event\nRekta sa Makati kahit traffic ay kainip\nHay!\nKasama ko si Rude at si Ivan ang sikip\nAt si Kuya Albert 'yung driver kong mabait\nAt tsaka si Idyll aking manager at kapatid\nNa merong talastimya, isang kakaibang sakit\nKailangan niya laging salinan ng dugo na pantawid\nAt dahil malapit lang sa hotel 'yung Makati Med\nSumabay na lang siya sa’min para mas makatipid\nSabay ka na para isang kotse na lang\n'Yung katabi ko sa back seat, si Rude Boy at si Ivan\nDocumentation, security at hype man, bali siksikan kami sa aking tsikot (Wag\nmalikot!)\nTatlo kaming mga lalaki sa likod\nPagdating sa Makati, sakto lang 'yung tayming\nNag-text na rin 'yung mommy at nagsabing nag-start na daw 'yung party\nSa basement daw 'yung parking, salamat sa pagpunta, pasok lang kayo, darling\nPagbaba ng kotse, hinanap ko 'yung main floor, may nagpa-litrato sa tabi ng\nelevator\nIdol pwede favor? Baka pwede magpa-picture kasi idol na idol ka talaga ng anak\nko na grade four (Yeah, four!)\nNag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor, tapos tinutok sa’kin 'yung baril ni\nterminator (Positive, Sir!)\nPero bilang na rator, lagyan natin ng flavor\nPara 'di masyadong halata 'yung trauma ko na major (What the fuck?)\nNakakagulantang 'sang katutak na ninja cops sa amin ang tumambang\nParang WuTang Clan lang, lampas sampu lumabas sa van\nPasensya na idol, napag-utusan lang\nHumakbang paatras at wala nang nagawa\nTinutukan ng beretta sa mukha\nPinadapa, pinosasan, pilit pinapatingin sa baba\nMga bulsa namin isa-isa nilang kinapa\nAkala ko kidnap for ransom ang sadya o kaya baka prank lang 'to na malala,\n'langhiya\nDapa, dapa, dapa!\nKamay sa likod, tingin sa baba\nDapa sabi eh!\nNakadapa kami habang napapanood ng aking utol na kasalukuyang naka-bukod\nMay tinabi silang kahon, malakas kaniyang kutob na meron 'tong mga lamang\nkontrabando sa loob\nTsaka na lang silang nagpakilalang mga parak, nung isa na sa mga kasama nila\nnasapak\nWalang uniporme at naka-maskara lang lahat, walang Mirandang binasa,\nbasta-basta lang agad (My God!)\nSikat na hotel at nakakapagtaka’y maraming CCTV, lahat nakapatay\nWala man lang body cam na nakalagay, kahit kuha man lang ng cellphone,\ngamit kamay\nSabi daw ng pulisya, sa’kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma\nKasi walang kahit ni isang saksi na pumirma\nWalang video ng palitan, magmula nung umpisa\nKung under surveillance pala dapat may footage ka ('Di ba? Kung under\nsurveillance pala dapat may footage na)\nKung normal na tao nagva-viral 'pag nahuli siya\nPaano na lang kaya kung si Loonie pa\nNung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena\nMga ulo nila bigla nagkaroon ng bumbilya para ma-promote sa pwesto,\nako ang pinuntirya\nNg mga ninja cops na gustong magbida-bida ('Di ba, 'di ba?)\nBigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood nila 'yung live ko sa PDEA\nNung binan nila 'yung kantang «Amatz» dahil sa tema\nPero «Maria Hiwaga» ni Sassa, walang problema\nAba, punyeta talamak na ang taniman\nBuy bust daw kaso bakit parang madalian\n'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan at kalimitan minamanmanan ng malayuan,\nmalapitan\nMay mga camera na nakatago sa pagitan kaya medyo weirdo kasi walang video ng\npalitan\nAkala ko ba buy bust 'to na malakihan, nakakapagtaka lang, kaibigan\nGusto mong maintindihan at mabatid\nGamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid\nPara sa isang daang libro magpapaka-astig\nKayang-kaya ko 'yang kitain ng triple isang gig\nAt kung pusher man ako na sinasabi nilang weed\nBakit naman ako pa mismo maghahatid\nNi hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka bihira mong makita sa kalsada tumawid\nAt bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala\nKung sa eksena ko ay maraming nagma-marijuana\nBakit ko papahirapan ang sarili ko habang sinusugal ang karerang matagal kong\npinagsikapan\nBakit isasama ko pa 'yung kapatid kong may karamdaman\nAt camera man para mag-vlog ng kaganapan\nWalang saysay na mga paratang pawang haka-haka lamang para pangalan ko ay\nyurakan\nAlam kong meron akong mga paa na natapakan\nNgunit 'di ko 'yon sinasadya, ako ay tao lamang\nPinaglaban lang ang paglikha ng merong kalayaan\nAt kung 'yon ay masama, 'yun lang ang aking kasalanan |