Bakit pa kailangan na masaktan
|
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
|
Hapdi ang syang naramdaman
|
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
|
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam
|
Verse I:
|
Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
|
Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
|
Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
|
Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat?
|
Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
|
Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
|
Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
|
Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
|
At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
|
Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
|
Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
|
Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
|
Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
|
Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
|
Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
|
Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan
|
Verse II:
|
Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka
|
Di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na |
Ngang pag asa kahit na akoy magsisi at lumuha
|
Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa
|
Gustuhin ko man na ibalik hindi na maari
|
Pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay-ari
|
At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan
|
Tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan
|
Ilang beses kung niloko ang sarili kong ito
|
Na kaya kung mabuhay kahit na wala sa piling mo
|
Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang,
|
Upang itago ang nadarama’t tuluyang maibsan
|
Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo
|
Yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo
|
Alam kung di mo na pakikinggan kahit na isigaw
|
Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw
|
Bakit kailangan humantong. |
sa hiwalyan ng lahat
|
Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap
|
Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta
|
Ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa
|
Bakit pa kailangan na masaktan
|
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
|
Hapdi ang syang naramdaman
|
Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
|
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam |
Verse III:
|
Naghiwalay tayo na kapwa’y may samaan ng loob
|
At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
|
Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
|
Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
|
Na sana’y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
|
Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
|
Na maibalik ang dati at makapiling sa twina
|
Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
|
At hindi talaga tau ang itinakda ng diyos
|
Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos
|
Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
|
Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran
|
Bago magtapos ang awit ko sana’y malaman mo
|
Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo
|
Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
|
Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko |