Simple lang
|
Kung pwede naman
|
Simple lang
|
Kung pwede naman
|
Isang umaga na naman akong gumising
|
Nang hindi ko kayo katabi
|
Saka na lang namalayang tanghali na pala
|
Napuyat kakaisip ko kagabi
|
Maghapong tulala at nanghihinayang
|
Sa lumipas na nakaraan
|
Na nalason na ng iba’t ibang dahilan
|
Hanggang sa nawalan na ng paraan
|
Paraan na ayusin kung sinong naguguluhan
|
Tayo lang ang magtutulungan
|
Diba’t ayan ang turo sa atin ng iyong ina?
|
Ba’t na tayo nagtuturuan?
|
Kung sino bang dapat managot'
|
Sa lahat ng ito at umako ng sisi
|
Kahit na mabulag, mabinge’t, mapipi
|
Sige ako na, ganun lamang kasimple
|
Alam ko na hindi gano’n kadali
|
Pero alam ko naman na pwede mangyari
|
Kung dalawa tayong lalaban
|
Sabay kahit sablay ko’y napakarame
|
Subalit ngayon ang kapit mo d’yan
|
Masyado ng nahigpitan
|
Pinaliwanag ko na ang lahat
|
Wala ka pa din atang naintindihan
|
'Wag kang ganiyan
|
Dahil hindi ka naman ganito
|
Pilit kong pinaunawa sa iyo
|
Pero mas pinili mo na malito
|
'Wag kang ganiyan
|
Dahil hindi ka naman ganito
|
Pilit kong pinaunawa sa iyo |
Pero mas pinili mo na malito
|
Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan
|
'Wag mo muna akong sabayan kung pwede
|
'Di lang tayo magkakarinigan
|
Kung pwede naman, pwede na 'yan
|
Sapat na ang mga pagkakamali
|
Ang akin lang naman sana ay…
|
Madaling araw na namang naalimpungatan
|
Hirap makatulog ulit
|
Ayaw mapanaginipan ang pangit na mukha
|
Na nakikita sa pagpikit
|
Sayang lang at 'di mo naunawaan
|
Ang mga nais iparinig
|
Ang bulong ng puso ko sa gitna ng ingay
|
Ng mga nagsisigawang bibig
|
Natin na ayaw patalo subalit sa dulo panalo ka pa
|
Kung alam mong nasa katwiran ka pa
|
Para gumanyan sakin, masyado ka na
|
Kalooban ko ay ibinaba
|
Habang paningin mo’y nakatingala
|
Malabong makita mo 'to
|
Bale merong pag-asa man sakin ay balewala
|
Kaya nga heto na tayo sa puntong hindi ko hinangad
|
Sapagkat ikaw ang lang siyang kong lakas at kahinaan
|
'Di ko inasahang sagad mo lahat na ipapadama
|
Lahat ng mga sakit na dapat kong maramdaman
|
Dahil ang tama at mali’y 'di na umiiral pa sating mga karapatan
|
'Wag kang ganiyan |
Dahil hindi ka naman ganito
|
Pilit kong pinaunawa sa iyo
|
Pero mas pinili mo na malito
|
'Wag kang ganiyan
|
Dahil hindi ka naman ganito
|
Pilit kong pinaunawa sa iyo
|
Pero mas pinili mo na malito
|
Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan
|
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
|
'Di lang tayo magkakarinigan
|
Kung pwede naman, pwede na 'yan
|
Sapat na ang mga pagkakamali
|
Ang akin lang naman sana ay…
|
'Wag mong hayaan na mawala lang basta ang ating pagmamahalan
|
'Di na ba mahalaga sa’yo ang lahat ng ating mga pinagdaanan?
|
Makinig ka sakin at aayusin natin ang lahat-lahat
|
Pwede bang 'wag kang ganyan? |
Pwede bang 'wag kang ganyan?
|
Makinig ka naman dahil para sumagot sa akin lalo kung hindi patanong
|
Ang aking sinasabi dito sa larong sino man ang mataya, balagong
|
Alam kong kahit na pangunahan ka pa ay wala huli na ko pagkat
|
Minanipula mo ang aking kapalaran hanggang sa maging kumplikado lahat
|
Masakit man at yun ang totoo 'di man maipagtapat
|
Ang mga rason at batayan na alam mong satin ay 'di pa sapat |
Para kinabukasan ay maisara yung kahapon ng mag-iba ka
|
Na parang aswang sa ilalim ng buwan na bilog halos 'di na kita kilala
|
Binigay ko ang lahat sayo kahit kapalit sakin ay halos wala
|
Kasi mahal kita gusto mo pa ba na akong masiraan, umayos ka nga
|
'Wag kang ganiyan, 'wag kang ganiyan
|
Dahil hindi ka naman ganito
|
Pilit kong pinaunawa sa iyo
|
Pero mas pinili mo na malito
|
Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan
|
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
|
'Di lang tayo magkakarinigan
|
Kung pwede naman, pwede na 'yan
|
Sapat na ang mga pagkakamali
|
Ang akin lang naman sana
|
Ay marinig ang aking tinig na nagsasabing mahal kita
|
'Wag kang ganiyan… |