Letras Alitaptap - Gloc-9

Alitaptap - Gloc-9
Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción Alitaptap, artista - Gloc-9
Fecha de emisión: 18.02.2021
Idioma de la canción: tagalo

Alitaptap

Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y
'Sing liwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako’y nahilig)
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi)
Mga akala kong akin (komportable sa miserable)
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin
Ika’y mistulang alitaptap
Ilan na’ng mga ginawa ko para sa iyo (tangan ko)
Pati sila, kasi walang iba (lahat ng 'yong)
Akong inisip kundi ang iyong kapakanan (pangako mag-)
Mabusog ka lamang kahit tiyan ko ay kumakalam (mula pa no’ng)
Sinong may alam ng totoo? (Tayo ay)
Lahat kayo, pwera lang ako (nangako sa)
Nalilito sa balatkayo (isa't isa)
Balahibo ko nakatayo (magsasama)
'Di ko inakala na (ngunit nag laho)
Kung sino pa ang siyang nagsasalba (ang mga kulay)
Ng wala nang ilalim na alkansya
Nakahandang ibigay ang lahat ng kanya (alay mo sa’king bulaklak)
Tama ba na umasa pa?
Kung ako’y naging babae, nagahasa na (ako na lang ba ang magpapatunay)
Parang mga paborito kong kanta
Pero ayaw kong mangyari sa isang banda (habang ang luha’y pumapatak?)
Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y
'Singliwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako’y nahilig)
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi)
Mga akala kong akin (komportable sa miserable)
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin
Ika’y mistulang alitaptap
Kinakausap pero 'di mo na ako tinitingnan
Hingi ka nang hingi kahit palagi kang binibigyan
Mga masasayang araw na aking tinatandaan
Kapag tinatanong ay 'di mo na alam kung kailan
Kapag ako ay lumalapit, lagi kang lumalayo
Hinihigpitan ko ang kapit kahit na puro dugo
Sa aking palad, parang mga bubog na buo-buo
Tuwing ika’y aking hahalikan, ika’y yumuyuko
Ako na lang ba ang siyang may buhat sa ating dalawa
Minsan tinatanong aking sarili kung kaya ko pa
Ngayon, ika’y nasa tabi, tapos biglang mawawala
Ikaw ay mistulong alitaptap sa 'king mga mata
Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y
'Singliwanag ng araw (napakalinaw, napakainit)
Pag-ibig na sumpaan natin
Hinding-hindi magmamayaw (bakit nasilaw? Bakit nahilig?)
Ako’y lakad nang lakad nang lakad nang lakad (bakit pagsapit ng dilim)
Tuyo sa kalsada, sa baha nakababad (mga akala kong akin)
Mga paa’t kamay ko ang siyang nagbayad
Parang may makalawang na lagaring nakasayad
Gumagalaw kapag sinasabi kong mahal kita (kahit na pilit kang abutin)
Ako daw lamang naman at wala nang iba (sa 'king paningin)
Eh ikaw, kaya mo bang buhatin ang dala?
Pabigat nang pabigat, nahahalata ko na (ika'y mistulang alitaptap)

Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah

Compartir letras:

¡Escribe lo que piensas sobre la letra!

Otras canciones del artista:

NombreAño
Buhay 2021
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone 2020
Luma 2021
Sana 2021
Bahay Ni Gloc-9 2020
Oka ft. Loir 2021
Sanib ft. Loir 2021
ALAM MO NA 2023
Maulit Man 2021
Otochun ft. Geo Ong 2020
Dito Sa Barangay 143 ft. Maya 2019
Langit Lupa 2021
All School 2020
Pag Nagising Ako 2021
Tindero 2021
Sa 'kin 'Yan ft. Honcho 2021
Sampaguita ft. Gloc-9 2020
Excuse Me Po 2006
Saranggola 2021
Limang Kanta Lang 2006