Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción Sampaguita, artista - Juan Karlos
Fecha de emisión: 19.03.2020
Idioma de la canción: tagalo
Sampaguita |
O aking sinta |
Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa |
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha |
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha |
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi |
Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi |
Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw |
Ng mga pusong di kita makuhang madalaw |
At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak |
Pag kausap ka’y hindi ko mapigilang maiyak |
Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak |
Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak |
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan |
Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan |
Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan |
At sa paglubog ng araw di kita matabihan |
Kung kahit saan man mapadpad |
Sayo pa rin ako babalik giliw |
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita |
Sa halimuyak ng ‘yong |
Anak kaarawan mo na ulit |
Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit |
Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit |
Naaalala ka ni tatay tuwing ako’y pumipikit |
Patawarin mo ako anak kung hindi kita |
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola |
O lumangoy sa batis na katulad ng iba |
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta |
Magbutones ng uniporme mo sa unang araw |
Ng pasok sa eskwela puso ko’y nag-uumapaw |
Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon |
Ngunit agad napapaluha pag ika’y nagtatanong |
Kailan ka uuwi sakin ay binubulong |
Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong |
Sa pagkatbo’y madadapa minsan ay masasaktan |
Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan |
Kahit saan man mapadpad |
Sayo pa rin ako babalik giliw |
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita |
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita |
Sa halimuyak ng ‘yong |
Dumating ng araw na aking pinakahihintay |
Malapit ng magsimula ang aking paglalakbay |
Pabalik saking pamilya kahit napakalayo |
Mula sa lugar na para kumita ay dinayo |
Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na |
Tsokolate at laruan pati sabong panlaba |
Eroplano’y lumapag na ako lamang mag-isa |
Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila |
Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba |
Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala |
Nung tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang syang natawa |
Nag-iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa |
Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim |
Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim |
Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako’y nakatingin |
Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit gawin |
Kahit saan man mapadpad |
Sayo pa rin ako babalik, babalik giliw |
Sa halimuyak, sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita, sampaguita |
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita |
Sa halimuyak ng ‘yong sampaguita |