Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción All School, artista - Gloc-9
Fecha de emisión: 19.11.2020
Idioma de la canción: tagalo
All School |
Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal |
Taga sulat ng tula kahit medyo matagal |
Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal |
Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal |
Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal |
Taga sulat ng tula kahit medyo matagal |
Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal |
Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal |
Bakit kailangang pakinggan ang mga hirit ng inggit di mo naman katuwang sa |
mabibigat |
Habang lumalakad sa mataas na bangin hindi ka umiiling kahit matamaan ng kidlat |
Sigaw ka ng sigaw pero walang nakikinig walang bumibilib hanggang sa tuluyan |
kang mamalat |
Makamit mo lamang ang mga minimithi mong pangarap hindi bale nang mamatay ka |
nang dilat |
Nakakapuwing ang lupa pag tumama sa mata |
Mahirap mag salita pag nilamon ka ng kaba |
Pang hinaan man ng loob huwag kang mag pahalata |
Kung hindi mo man maaninag puwede kang mangapa |
Maputikan man ang iyong mga palad o paa |
Sarili mo lamang ang syang kalaban mo di iba |
Habulin mo nang habulin kung sino ka sa pangarap |
Iyong mahahanap kapag nasa malayo ka na |
Tanawin mo ang mga dinaanan mo dati |
Kalimutan ang mga masasama na sinabi |
Iwasang maka sagi ng paa kung maaari |
Kahit na kung minsan ay medyo nakakalalaki |
Ayos lang |
Basta relax ka lang |
Huwag kang hibang |
Huwag padamihin ang ilang |
Nang iilang |
Ikaw lang ang nag iisang |
May alam |
Kung anong mapupuntahan |
Nang yong ginagawa |
Meron ka ba dyang mapapala |
Kahit sabihin pa ng iba na yan ay gawa gawa |
Hindi naman imbitado |
Kinakapalan ang mukha |
Kinakausap ang sarili |
Medyo maluha luha |
Punasan asan na ang pag asa |
Sa musika parang nawalan ka ng panglasa |
Walang mainit na tubig madami ang tasa |
Sa panahon ngayon di madali ang umasa |
Bobolahin ka ng mga kumpanya |
Pero ang mahalaga lamang ay ang kanya |
Babalutan ng mga salitang kay ganda |
Bago pa mahulugan ang iyong alkansya |
Madaming nag sasabi sayo na umalis ka nalang |
Ginagalingan mo palagi pero panis ka naman |
Natuyo nang mga labi na hindi madampian |
Ng mamantika na ulam sa aming hapag kainan |
Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa |
Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa |
Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa |
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa |