| Lagi kang nangangarap |
| Lagi mong hinahanap |
| Kay tagal mong hinihintay |
| Ang inaasam mong tagumpay |
| Bagong kotse |
| Sariling bahay |
| Maraming pera |
| Iwas tambay |
| Ito sagot dyan |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag na may kasabay na husay |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag at tiyaga |
| Upang may mapala |
| Gising na tanghali na nakatirik na |
| Araw at biyaya ay may naka kuha nang iba |
| Yan ang laging sinasabi samin ng aking ina |
| Pag di ka parin bumanong ay tatamaan ka pa |
| Mag kape ka na may mainit pa dyang pandesal |
| At mantikilya huwag mong kalimutang mag dasal |
| Bilisan mo na bawas bawasan mo din ang pasyal |
| Tandaan mo lagi na di ka anak ng opisyal |
| Hindi kami habang panahon nandito sige ka |
| Baka magaya ka sa iba dito di kita |
| Pinalaking kulang sa sentido kumon na |
| Puwede mong gamitin ng pulido kasi nga |
| Masikip lang ang bangka kaya huwag kang malikot |
| Tiyagain mo sa harap bantayan mo ang likod |
| Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote |
| Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag na may kasabay na husay |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag at tiyaga |
| Upang may mapala |
| Sasakay ako ng jeep papunta sa cubao |
| Lilipat sa bus na hindi crossing ibabaw |
| Bababa don sa ayala ingat baka maligaw |
| Bitbit ang bio data may larawang dikit na hilaw |
| Gamit ay kaning lamig kung tawagin ay bahaw |
| Kakainin mo parin kahit na medyo nilangaw |
| Puwede na kahit mababa ang sweldong pinataw |
| Basta matanggap ako sa trabaho ngayong araw |
| Makisama sa mga nauna sayo doon |
| Kahit na kung tratuhin ka lamang nila ay miron |
| Basta kung di mataas iwasan mong tumalon |
| Kung walang masasabing mabuti huwag kang tumugon |
| Masikip lang ang bangka nahuhulog ang malikot |
| Diinan sa harap pero bantayan mo ang likod |
| Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote |
| Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote, ha! |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag na may kasabay na husay |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag at tiyaga |
| Upang may mapala |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag na may kasabay na husay |
| Simple lang naman ang buhay |
| Sipag at tiyaga |
| Upang may mapala |