Letras Walang Hanggan - Quest

Walang Hanggan - Quest
Información de la canción En esta página puedes encontrar la letra de la canción Walang Hanggan, artista - Quest
Fecha de emisión: 19.05.2016
Idioma de la canción: tagalo

Walang Hanggan

Gulong-gulo ang puso
Saan ba 'to patungo?
'Di ko alam
'Di ko alam
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
'Di ko alam
'Di ko alam
Nung ika’y nilalamig, ako’y iyong init
Kapag takot sa bukas, akong unang sisilip
Ginawa ko nang lahat
Hindi pa rin sapat kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yong dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na 'di maulit
Ang masulyapan mo 'yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo
Bawat segundo sa aking puso i-uukit
Lahat ng ala-ala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo
Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang 'yong braso
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Saan galing ang galit? Mayroon bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit 'di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung 'di sapat
Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan, ba’t merong dulo?
Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo 'yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba’t nandito tayo sa dulo?
Oh-oh, ohhh sa dulo
Oh-oh, ohhh
'Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin ohh
Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa 'ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo
Kung ika’y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako
'Di ako lilisan
Sa ating dulo, 'di ako lilisan

Compartir letras:

¡Escribe lo que piensas sobre la letra!

Otras canciones del artista:

NombreAño
Baby Don’t Cry ft. Quest feat. Lil' Keke 2006
Pilipinas 2015
Lahat Tayo Kasama 2018
Barkadang Tunay 2018
Good Old Days 2021
Tibay 2016
When She's Gone 2015
Tagay 2017
Saludo 2016
Speed Of Light 2016
Golden 2016
Kalawakan ft. Aicelle Santos 2016
Higher 2016
Sige Lang 2016
Paborito ft. Reese Lansangan 2016
Sasamahan Kita 2019
No Greater Love ft. Clara Benin 2016
Down ft. Quest, Devon Baldwin 2015
Digmaan ft. Julianne Tarroja 2016
Pursigido 2016